Tuesday, May 17, 2011

DOWN BEFORE, UP NOW

Napakarami ng nangyari... In my 21 years of existence here on earth, halos lahat na ata naexperience ko na. Ang maging leader, maging singer, dancer, director, taga make up, maging host at kung anu ano pang mga Gawain, may kinalaman man o wala sa academics... may ilan mang hindi ko pa nagagawa o naranasan pero alam ko sa sarili ko... balang araw,darating din ako dyan.
        Marami na rin akong mga naencounter, problema, mga taong hindi mo maisipan kung makitid ba ang utak o sadyang kailangan lang ng malawak na pang unawa, mga taong sakim,mga taong gusto lagi na sa kanila ang attensyon ng karamihan, mga taong unfair at walang konsiderasyon. Minsan, iiyak na lang ako sa isang tabi para gumaan ang pakiramdam o kaya’y maglalakad lakad, papunta sa isang lugar kung saan makakapag isip ako ng maayos o kaya’y gagala kasama ang ilang kaibigan sa kung saan man, mag fofood trip, magkukwentuhan, magbabarahan at magtatawanan na parang wala ng bukas.
         Dati, sinabi ko sa sarili ko na mag iingat na ako sa pagpili ng kaibigan o ng taong makakasama pero sadyang mapaglaro ang kapalaran... kahit gaanong ingat ang gawin mo ay mayroon talagang mga taong hindi mo maintindihan, at one moment, okay kayo, tapos may bigla lang nangyari, hindi mo lang naipaliwanag lahat, bigla ng magrereact, iisiping mali ka at siya ang tama. Talaga ngang kahit anong gawin mo, hindi mo hawak ang maaaring kasunod na mangyari. Pilitin mo mang magpakabait at magpakabuti, pilit pa ring may sisira sa mabuting imaheng iniingatan mo ng matagal na panahon,hindi talaga maalis sa ating mga Pilipino ang “crab mentality”, bakit kaya ganun noh? Imbis na magtulungan ay naghahatakan pa pababa, ano bang naidudulot na mabuti nito? Pansariling interes? Panandaliang kasiyahan sa paglubog ng taong iyong kinaiinisan? Eh papaano kung mabaliktad ang sitwasyon? At ikaw ang nasa posisyon ng taong iyon? Ano kayang mararamdaman mo? Maiinis ka ba? Magagalit? Anong unang nasa isip mo pag nakabangon ka na laban sa nakapanlulumong pangyayaring kinabagsakan mo dahil sa ginawa ng taong ‘yon? Ganti ba? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Pagbali baliktarin man ang sitwasyon ang crab mentality at paghihiganti ay parehong may masamang resulta, sa kapwa mo at sa sarili mo. Ano ano? Una... kapag gumanti ka sa kapwa mo... binibigyan mo lang sya ng dahilan para masaktan ka ng pabalik, kadalasan... mas masahol at mas masakit ang ganti, at pag lumala... nakakatakot! Ikalawa...nakakagawa tayo ng isang bagay na hindi nateng inaasahan sa sobrang galit... masyadong tayong nagpapadala sa ating mga emosyon na wala namang naidudulot na maganda... sige nga, magbigay ka nga ng isang sitwasyon kung saan ay nakabuti ang “crab mentality” o ganti? WALA noh? Kasi lahat ng bagay, pag idinaan sa galit, init ng ulo at tension ay walang magandang patutunguhan kung hindi away o gulo na hindi ikatatahimik ng konsensya mo... at ikatlo, nawawala ang mabuting parte ng sarili mo, nababahiran ng dungis ng kasamaan ang malinis mong puso at higit sa lahat, unti unti ka ng nalulunod sa makamundong gawain. Magigising ka na lang isang araw... hindi mo na pala kilala ang sarili mo...
“Listening changes it all”... ito ang tagline ng commercial na napanood ko nung minsan sa AXN... it has caught my attention... apat na salita pero napakalalim ng kahulugan... napakalawak ng pwedeng ipahiwatig... Oo nga... Maaaring ang pakikinig lamang ang pwedeng magbago sa lahat... para maging mabuti ang lahat... pero ang hirap sa mga tao... kahit ano mang lahi... Hindi marunong makinig. Kadalasan, kapag may sinasabi ang isang tao sa harapan para makuha ang ating attensyon, ano ang ginagawa mo ng mga panahong iyon? Natutulog? Nagtetext? Nakikipagtsismisan? Nakikipagharutan o kung ano pa man? Ganyan naman tayo eh... walang disiplina... sa sobrang pagwawalang bahala naten... hindi naten nalalaman na ang isang pinakamahalagang pangyayari sa ating buhay ay hindi na naten nabibigyang halaga. Bakit? Kasi hindi tayo nakinig. Maaaring narinig naten pero pagkatapos ano? Ilalabas sa kabilang tenga? Ni hindi man lang naten inanalyze? Ni hindi man lang naten inunawa? Ganyan tayo eh... Pinapakinggan lang naten ang gusto nating pakinggan... Tinitingnan lang naten ang gusto nateng tingnan... Pero sa kabilang banda, at madalas hindi naten makita, ang mga sarili nateng pagkakamali... magaling lang tayong magturo... magaling lang tayong mamblame... pero sa huli... kung iisipin mong mabuti... at pagtatagpi tagpiin mo ang mga pangyayari... maaaring hindi ikaw ang biktima ngunit ikaw ang may kasalanan... isinisisi mo lang. Bakit? Kasi takot ka... takot kang marinig ang katotohanan... bakit? Kasi totoo?! “Truth Hurts” yet “Truth will set you free”. Ilang salita lang naman ang makakawala ng agam agam mo eh... ACCEPTANCE, Yun lang naman eh. At pagkatapos... APOLOGIZE, to the people you’ve hurt and to yourself at makipagreconcile ka... ATONEMENT and START ANEW.
        Ironically, may mga salitang maiikli pero napakalalim at napakalaki ng pwedeng magawa at maging impact sayo... Yun eh kung pagaaralan mo ng maigi... Kung magoobserba ka kesa titingnan mo lang, kung iintindhin mo at hindi mo lang papakinggan at ipagsawalang bahala, at higit sa lahat kung aalamin at titimbangin mo ng walang bias ang mga sitwasyon. Sometimes, it takes self-deprivation to know what’s real and what’s right. Kung hindi muna naten iisipin ang mga pansarili nateng interes para sa ikabubuti ng karamihan... siguro... makakapamuhay tayo ng mapayapa at walang pag aalinlangan. Masyado na kasi tayong nalunod sa material na bagay... pati kaligayahan natin nagiging mababaw na... sabi nga sa book ni Mitch Albom na Tuesdays with Morrie, “Detach yourself to it. Feel it, but then you’ll have to let it go...” Karamihan sa atin... sasabihin... “I can’t live without my phone or I won’t survive without facebook.” Too much shallowness sa katawan, baka nakakalimutan naten... hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente... baka nakakalimutan naten na hiram lang ang buhay naten at anytime pwede tong bawiin sa ‘tin without any prior notice. Mag isip ka... Baka may nakaligtaan ka.
        It takes realization of the reality for me to realize everything... in my 21 years of existence... I’m so thankful despite of whatever had happened in the past... Hindi man ako perpekto atleast alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Ilang beses na akong nakaranas ng kapaitan ng buhay pero sinasabi ko na lang na maswerte pa rin ako kasi may ibang mga tao na masahol pa ang kinahantungan sa akin... Nagpapasalamat na lang ako lalo na sa Diyos dahil pinatibay ako ng mga pagsubok na binigay niya... You’ll only find your individuality if you overcome all the struggles you’ve encountered, instead of asking and complaining why it is happening, ask this.. “Lord, What do you want me to learn?” then you’ll find the answer as you go on, with your faith as your mighty weapon... I doubt kung matalo ka pa... Ayos lang umiyak paminsan minsan pero sabihin mo sa sarili mo pagkatapos ng lahat ng luha na naibuhos mo ay katumbas ng panibagong araw ng susuungin mo at pagtatagumapayan. Walang mangyayari kung magiging pessimist ka your whole life, syempre, may mga bagay talaga ng hindi maipaliwanag pero magpapatalo ka ba ng basta basta? 3 lang naman ang kalaban ng tao dito eh, ang kapwa mo, ang mundo at ang pinaka mabigat na kalaban ay ang SARILI mo. Kung papaano mo maaaoutwit ang sarili mo... mabuti o masama? Dapat o hindi dapat? Kaya mo naman yan eh!  Maging positive ka lang lagi at wag kalimutang ngumiti, basta alam mong tama ka... ipaglaban mo... Patuloy lang ang buhay, sulitin mo habang may oras ka pa... Ako? Ganun ang ginagawa ko... para sa oras na mawala man ako, atleast masasabi kong... nagenjoy ako sa buhay ko... Oo, hiram lang ang buhay naten pero binigyan tayo ng kalayaan para maging maayos at maging makulay ang buhay natin sa lupa, may pasakit man minsan pero patuloy pa rin ang laban... Ikaw? Ano ang pwede mong gawin para maging memorable naman ang stay mo dito sa mundong ibabaw? Ngiti lang... May pag asa pa kaibigan... J

No comments:

Post a Comment